Read The Bible

expand_more
expand_more

85

Panalangin Upang Ibangong Muli ang Israel

1Ikaw po, O Yahweh, naging mapagbigay sa iyong lupain, pinasagana mo't muling pinaunlad ang bansang Israel.

2Yaong kasamaan ng mga anak mo'y nilimot mong tunay, pinatawad sila sa nagawa nilang mga kasalanan. (Selah)

3Ang taglay mong poot sa ginawa nila'y iyo nang inalis, tinalikdan mo na at iyong nilimot ang matinding galit.

4Panumbalikin mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, ang pagkamuhi sa amin ay iyo nang wakasan.

5Ang pagkagalit mo at poot sa ami'y wala bang hangganan? Di na ba lulubag, di ba matatapos ang galit mong iyan?

6Ibangon mo kami, sana'y ibalik mo ang nawalang lakas, at kaming lingkod mo ay pupurihin ka na taglay ang galak.

7Kaya ngayon, Yahweh, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.

8Aking naririnig mga pahayag na kay Yahweh nagmula; sinasabi niyang ang mga lingkod niya'y magiging payapa, kung magsisisi at di na babalik sa gawang masama.

9Ang nagpaparangal sa pangalan niya'y kanyang ililigtas, sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.

10Ang katapatan at pag-ibig ay magdadaup-palad, ang kapayapaan at ang katuwira'y magsasamang ganap.

11Sa balat ng lupa'y sadyang maghahari itong katapatan, mula sa itaas, maghahari naman itong katarungan.

12Gagawing maunlad ng Diyos na si Yahweh itong ating buhay, ang mga halaman sa ating lupai'y bubungang mainam;

13ang katarunga'y mauuna sa kanyang daraanan, kanyang mga yapak, magiging bakas na kanilang susundan.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 85

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 13 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 85 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store