Read The Bible

expand_more
expand_more

86

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos

1Sa aking dalangin, ako'y iyong dinggin, tugunin mo, Yahweh, ang aking pagdaing; ako'y mahina na't wala nang tumingin.

2Pagkat tapat sa iyo, buhay ko'y ingatan, lingkod mo'y iligtas sa kapahamakan pagkat may tiwala sa iyo kailanman.

3Ikaw ang aking Diyos, ako'y kahabagan, sa buong maghapo'y siyang tinatawagan.

4Panginoon, lingkod mo'y dulutan ng galak, pagkat sa iyo kaluluwa'y tumatawag.

5Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili.

6Pakinggan mo, Yahweh, ang aking dalangin, tulungan mo na po, ako'y iyong dinggin.

7Dumaraing ako kapag mayro'ng bagabag, iyong tinutugon ang aking pagtawag.

8Sa sinumang diyos wala kang kawangis, sa iyong gawai'y walang makaparis.

9Ang lahat ng bansa na iyong nilalang, lalapit sa iyo't magbibigay galang; sila'y magpupuri sa iyong pangalan.

10Pagkat ikaw lamang ang Diyos na dakila na anumang gawin ay kahanga-hanga!

11Ang kalooban mo'y ituro sa akin, at tapat ang puso ko na ito'y susundin; turuang maglingkod nang buong taimtim.

12O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman at ihahayag ko, iyong kadakilaan.

13O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas; di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay.

14Mayroong mga taong ayaw kang kilanlin, taong mararahas, na ang adhikain ay labanan ako't ang buhay ay kitlin.

15Ngunit ikaw, Panginoon, tunay na mabait, wagas ang pag-ibig, di madaling magalit, lubhang mahabagi't banayad magalit.

16Pansinin mo ako, iyong kahabagan, iligtas mo ako't bigyang kalakasan, pagkat ako'y lingkod mo rin tulad ng aking nanay.

17Pagtulong sa aki'y iyong patunayan; upang mapahiya ang aking kaaway, kung makita nilang mayroong katibayan na ako'y inaliw mo at tinulungan!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 86

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 17 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 86 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store