Read The Bible

expand_more
expand_more

87

Awit ng Pagpaparangal sa Jerusalem

1Sa Bundok ng Zion, itinayo ng Diyos ang banal na lunsod,

2ang lunsod na ito'y higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.

3Kaya't iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lunsod ng Diyos: (Selah)

4“Kapag isinulat ko at ang mga bansang sa iyo'y sasama, aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia; ibibilang ko rin bansang Filistia, Tiro at Etiopia.”

5At tungkol sa Zion, sasabihin nila, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan, siya'y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”

6Si Yahweh ay gagawa, ng isang talaan ng lahat ng taong doo'y mamamayan, (Selah)

7sila ay aawit, sila ay sasayaw, at sila'y sabay-sabay na magsasabing, “Ang aking mga pagpapala'y ang Zion ang bukal.”

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 87

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 7 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 87 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store