Read The Bible

expand_more
expand_more

92

Awit ng Papuri sa Diyos

1Ang magpasalamat kay Yahweh ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataas-taasan.

2Pag-ibig niyang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan niya'y ihayag din naman.

3Ito'y ipahayag sa saliw ng alpa't tugtuging salteryo, sa magandang himig ng tugtuging lira'y ipahayag ito.

4Ako'y nagagalak sa iyong ginawa na kahanga-hanga, sa lahat ng ito ako'y umaawit dahilan sa tuwa.

5O pagkadakila! Kay dakila, Yahweh, ng iyong ginawa, ang iyong isipan ay sadyang mahirap naming maunawa.

6Sa kapos na isip, ang bagay na ito ay di nalalaman, hindi malilirip ni mauunawa ng sinumang mangmang:

7ang mga masama kahit na dumami't sila ma'y umunlad, kanilang hantungan ay tiyak at lubos na kapahamakan;

8sapagkat ikaw lang, Yahweh, ang dakila't walang makatulad.

9Nababatid naming lilipuling lahat ang iyong kaaway, at lahat ng taong masama ang gawa ay mapipilan.

10Ako'y ginawa mong sinlakas ng torong mailap sa gubat, ako'y pinagpala't pawang kagalakan aking dinaranas.

11Aking nasaksihan yaong pagkalupig ng mga kaaway, pati pananaghoy ng mga masama'y aking napakinggan.

12Tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay, sedar ang kagaya, kahoy sa Lebanon, lalagong malabay.

13Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila'y darami.

14Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia't matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa.

15Ito'y patotoo na si Yahweh ay tunay na matuwid, siya kong sanggalang, matatag na batong walang karumihan.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 92

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 15 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 92 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store