Read The Bible

expand_more
expand_more

95

Awit ng Pagpupuri kay Yahweh

1Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan!

2Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.

3Sapagkat si Yahweh, siya ay dakila't makapangyarihang Diyos, ang dakilang Haring higit pa sa sinuman na dinidiyos.

4Nasa kanyang palad ang buong daigdig, pati kalaliman; ang lahat ay kanya maging ang mataas nating kabundukan.

5Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na kanyang nilalang.

6Tayo na't lumapit, sa kanya'y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.

7Siya ang ating Diyos, at tayo ang bayan sa kanyang pastulan, mga tupang kanyang inaalagaan. At ngayon kanyang salita'y ating pakinggan:

8“Iyang inyong puso'y huwag patigasin, tulad ng ginawa ng inyong magulang nang nasa Meriba, sa ilang ng Masah.

9Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong magulang, bagama't nakita ang aking ginawang sila'ng nakinabang.

10Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam, ang aking sinabi, ‘Sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’

11Kaya't sa galit ko, ako ay sumumpang hindi sila makakapasok at makakapagpahinga sa aking piling.”

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 95

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 11 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 95 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store