Read The Bible

expand_more
expand_more

96

Diyos ang Kataas-taasang Hari (1 Cro. 16:23-33)

1Purihin natin si Yahweh, awitan ng bagong awit; purihin natin si Yahweh, lahat nang nasa daigdig!

2Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin; araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.

3Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila, sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

4Si Yahweh ay tunay na dakila, marapat na papurihan higit sa sinumang diyos, siya'y dapat na igalang.

5Ang diyos ng sanlibuta'y pawang mga diyus-diyosan; si Yahweh lang ang maylikha ng buong sangkalangitan.

6Siya'y puspos ng karangalan at ng kaluwalhatian; ang lakas niya't kagandahan ay sa templo mamamasdan.

7O si Yahweh ay purihin ng lahat sa daigdigan! Purihin ang lakas niya at kanyang kaluwalhatian!

8Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal, dumulog sa kanyang templo't maghandog ng mga alay.

9Kung si Yahweh ay dumating, sa likas niyang kabanalan, humarap na nanginginig ang lahat sa sanlibutan.

10“Si Yahweh ay siyang hari,” sa daigdig ay sabihin, “Sanlibuta'y matatag na, kahit ito ay ugain; sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.”

11Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.

12Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw, pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

13Si Yahweh ay darating na upang lahat ay hatulan, at kanyang paghahariin ang sakdal na katarungan.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 96

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 13 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 96 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store