Read The Bible

expand_more
expand_more

97

Si Yahweh ang Kataas-taasang Hari

1Si Yahweh ay naghahari, magalak ang buong mundo! Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo!

2Ang paligid niya'y ulap na puno ng kadiliman, kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan.

3Sa unahan niya'y apoy, patuloy na nag-aalab, sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas.

4Yaong mga kidlat niyang tumatanglaw sa daigdig, kapag iyon ay namasdan, ang lahat ay nanginginig.

5Itong mga kabundukan ay madaling nalulusaw, sa presensya ni Yahweh, Diyos ng sandaigdigan.

6Sa langit ay nahahayag nga ang kanyang katuwiran, sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

7Lahat silang sumasamba sa kanilang diyus-diyosan, mahihiya sa kanilang paghahambog na mainam. Mga diyos nilang ito ay yuyuko sa Maykapal.

8Nagagalak itong Zion, mamamaya'y nagsasaya, nagagalak ang lahat ng mga lunsod nitong Juda, dahilan sa wastong hatol yaong gawad na parusa.

9Ikaw, Yahweh, ay Dakila at hari ng buong lupa, dakila ka sa alinmang mga diyos na ginawa.

10Mahal ni Yahweh ang lahat ng namumuhi sa masama, siya ang nag-iingat sa buhay ng mga lingkod niya; sa kamay ng mga buktot, tiyak na ililigtas niya.

11Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway, sa dalisay namang puso maghahari'y kagalakan.

12Kayong mga matuwid, kay Yahweh ay magalak, sa banal niyang pangalan kayo'y magpasalamat.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 97

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 12 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 97 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store