Read The Bible

expand_more
expand_more

98

Si Yahweh ang Hari ng Buong Mundo

1Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan niyang taglay, walang hirap na natamo itong hangad na tagumpay.

2Ang tagumpay ni Yahweh, siya na rin ang naghayag, sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.

3Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad, tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay nahayag!

4Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig; si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit!

5Sa saliw ng mga lira kayong lahat ay umawit, at si Yahweh ay purihin sa ating mga tugtugin.

6Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli, magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating Hari.

7Mag-ingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy, umawit ang buong mundo at lahat ng naroroon.

8Umugong sa palakpakan pati yaong karagatan; umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan.

9Si Yahweh ay dumarating, maghahari sa daigdig; taglay niya'y katarungan at paghatol na matuwid.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 98

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 9 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 98 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store