Read The Bible

expand_more
expand_more

99

Si Yahweh ang Kataas-taasang Hari

1Si Yahweh ay naghahari kaya't sa takot ay, mga tao'y nanginginig, trono'y sa ibabaw ng mga kerubin, kaya daigdig ay nayayanig.

2Si Yahweh'y dakilang tunay, sa Zion o sa mga bansa, si Yahweh ang naghahari sa lahat ng mga nilikha.

3Purihin natin ang banal at dakila niyang ngalan, si Yahweh ay banal!

4Ikaw ay dakilang Hari, umiibig sa katuwiran, ang dulot mo sa Israel ay ganap na katarungan; ang dulot mo sa kanila ay pagtinging pantay-pantay.

5Si Yahweh na ating Diyos ay lubos na parangalan; sa harap ng kanyang trono, tayo ay manambahan! Si Yahweh ay banal!

6Si Moises at si Aaron, na mga pari niya; at si Samuel nama'y lingkod na sa kanya ay sumamba; nang si Yahweh'y dalanginan, dininig naman sila.

7Si Yahweh ay nagsalita sa isang haliging ulap; sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.

8O Yahweh na aming Diyos, sinagot mo sila agad, at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad; ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa'y hindi tumpak.

9Ang Diyos natin na si Yahweh, dapat nating parangalan, sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan! Si Yahweh na ating Diyos ay banal!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 99

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 9 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 99 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store