Maiikling Bible Verse para sa Christmas Card

Maiikling talata tungkol sa pagsilang ni Jesus, kagalakan at kapayapaan na bagay isulat sa Christmas card para sa pamilya, kaibigan o katrabaho.

20 talata sa Bibliya · Pinili ng BibleOfVerse

Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

Isaias 9:6

Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Mateo 1:21

sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”

Lucas 1:37

Mapagmahal at mahabagin ang ating Diyos. Magbubukang-liwayway na sa atin ang araw ng kaligtasan. Tatanglawan niya ang mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at papatnubayan tayo sa daan ng kapayapaan.”

Lucas 1:78-79

Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh.

Isaias 60:1

Dahil siya'y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos.

Juan 1:16

Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw, pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Mga Awit 96:11-12

“Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan.

Lucas 1:68

Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil ang mga Judio at ang mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin.

Efeso 2:14

Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.”

Mateo 2:2

Naputol na tulad ng punongkahoy, ang paghahari ng anak ni Jesse. Ngunit katulad ng pag-usbong ng mga bagong sanga sa pinutol na puno, sa lahi niya'y lilitaw ang isang bagong hari.

Isaias 11:1

Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas, na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa. Ito po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil at magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel.”

Lucas 2:30-32

Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha.

Colosas 1:15

Nakita namin at pinapatotohanang isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang sanlibutan.

I Juan 4:14

Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makakabuting ito'y pag-ukulan ninyo ng pansin, sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadiliman na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga.

II Pedro 1:19

“Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito'y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako'y mula sa angkan ni David; ako ang maningning na bituin sa umaga.”

Apocalipsis 22:16

Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!

II Mga Taga-Corinto 9:15

Baka Magustuhan Mo Rin

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store

Basahin ang Bibliya sa loob ng isang taon