Ano ang Kapalaluan Ayon sa Bibliya?

Kung paano inilalarawan ng Bibliya ang kapalaluan, bakit ito nagbababala laban dito at kung ano ang kapakumbabaan.

23 talata sa Bibliya · Pinili ng BibleOfVerse

Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan, ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan.

Mga Kawikaan 11:2

Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay niya sa atin. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit nalulugod sa mga mapagpakumbabá.”

Santiago 4:6

Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon.

I Pedro 5:6

Ang magbabagsak sa tao'y ang kanyang kapalaluan, ngunit ang mapagpakumbabá ay magtatamo ng karangalan.

Mga Kawikaan 29:23

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Filipos 2:3-4

Sapagkat ang nagmamataas ay ibababâ, at ang nagpapakumbabá ay itataas.”

Lucas 14:11

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan. Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan, sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan.

Mga Kawikaan 8:13

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.

Mga Taga-Roma 12:16

Dahil inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili.

Galacia 6:3

Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit ninyo ipinagyayabang iyon na parang hindi kaloob sa inyo?

I Mga Taga-Corinto 4:7

Kaya't mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya matisod.

I Mga Taga-Corinto 10:12

Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.

Mga Kawikaan 27:2

Ang sabi ni Yahweh: “Huwag ipagmayabang ng matatalino ang kanyang karunungan o ng malakas ang lakas na kanyang taglay ni ng mayaman ang kanyang kayamanan. Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang pagkakilala't pagkaunawa sa akin, sapagkat ang aking pag-ibig ay hindi nagbabago, makatarungan at matuwid ang mga ginagawa ko. Ito ang mga bagay na nais ko. Ako, si Yahweh ang nagsasabi nito.”

Jeremias 9:23-24

Nilinlang ka ng iyong kayabangan; dahil ang kapitolyo mo'y nakatayo sa batong buháy; dahil ang tahanan mo'y nasa matataas na kabundukan. Kaya't sinasabi mo, ‘Sinong makakapagpabagsak sa akin?

Obadias 1:3

Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.

Mga Kawikaan 3:34

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.

I Juan 2:16

Nakakita na ba kayo ng taong nag-aakalang siya ang pinakamatalino? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa taong ito.

Mga Kawikaan 26:12

Pagdating ng araw ni Yahweh, ang mga palalo ay kanyang wawakasan, itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan; pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan.

Isaias 2:11

Ang sabi ng masasamang tao, “Diyos ay walang pakialam,” sabi nila'y “walang Diyos,” dahil sa kanilang kahambugan.

Mga Awit 10:4

Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.

Mga Kawikaan 13:10
Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store

Basahin ang Bibliya sa loob ng isang taon