Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pag-ahon sa Utang?

Praktikal na karunungan mula sa Kawikaan at sa Bagong Tipan tungkol sa pangungutang, pagbabayad ng utang at pagiging kontento.

21 talata sa Bibliya · Pinili ng BibleOfVerse

Huwag kayong magkakaroon ng utang kaninuman, maliban sa saguting magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan.

Mga Taga-Roma 13:8

Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan.

Mga Taga-Roma 13:7

Huwag kang mangangako para sa utang ng iba, ni gumarantiya para sa kanya. Kapag hindi ka nakabayad, hindi ba't kukunin pati ang higaan mo?

Mga Kawikaan 22:26-27

“Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo? Baka matapos mailagay ang mga pundasyon ay hindi naman mayari ang tore. Siya'y kukutyain lamang ng lahat ng makakakita niyon. Sasabihin nila, ‘Ang taong ito'y nagsimulang magtayo ngunit hindi naman naipatapos.’

Lucas 14:28-30

Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.

Mga Kawikaan 21:5

Ikaw ba ay nangako, sa utang niya ay nasangkot? Kung gayon ay nasasakop ka ng kanyang pagpapasya, ngunit ito ang gawin mo nang makaiwas sa problema: Ikaw ay magmadali sa kanya ay makiusap, sabihin mong pawalan ka sa napasukan mong bitag.

Mga Kawikaan 6:2-3

Pumunta siya kay Eliseo, ang lingkod ng Diyos at isinalaysay ang nangyari. Sinabi ni Eliseo sa babae, “Ipagbili mo ang langis at bayaran mo ang iyong mga utang. Ang matitira ay gamitin ninyong mag-iina.”

II Mga Hari 4:7

Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.

Mga Kawikaan 13:11

Ang bahay ng matalino'y napupuno ng kayamanan, ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang.

Mga Kawikaan 21:20

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

Mga Hebreo 13:5

Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. Naranasan ko na ang maghikahos; naranasan ko na rin ang managana; natutuhan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.

Filipos 4:11-12

Kung sabagay, malaki nga ang mapapakinabang sa relihiyon kung ang tao'y marunong masiyahan. Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. Kaya nga't, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may kinakain at isinusuot.

I Timoteo 6:6-8

“Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.

Mateo 6:24

Ang iyong mga hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan. Di mamamalagi ang yaman, ganoon din ang mga nasa kapangyarihan.

Mga Kawikaan 27:23-24

Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.

Mga Kawikaan 30:8-9

Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.

Mga Awit 112:5

Mabuti pang huwag ka nang mangako kaysa mangangako at hindi mo tutuparin.

Eclesiastes 5:5

Ihanda mo muna ang iyong bukid para mayroon kang tiyak na pagkakakitaan bago ka magtayo ng bahay at magtatag ng tahanan.

Mga Kawikaan 24:27
Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store

Basahin ang Bibliya sa loob ng isang taon