Mga Bible Verse na Babasahin Bago ang Operasyon

Mga talata ng kapayapaan, pagtitiwala at presensya ng Diyos na babasahin bago ang operasyon o medical procedure, para sa iyo o sa mahal mo sa buhay.

22 talata sa Bibliya · Pinili ng BibleOfVerse

Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.

Mga Awit 4:8

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Filipos 4:6-7

Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.

Isaias 26:3

Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.”

Josue 1:9

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

Mga Awit 23:4

Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala.

Mga Awit 56:3

Yahweh, pagalingin mo ako, at ako'y lubusang gagaling; sagipin mo ako, at ako'y ganap na maliligtas. Ikaw ang tangi kong pupurihin!

Jeremias 17:14

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag na kayong matakot.

Juan 14:27

Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.

Mga Awit 91:11

Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya bibiguin o pababayaan man, kaya't huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.”

Deuteronomio 31:8

Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.

II Timoteo 1:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Mga Awit 28:7

Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa; ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

Mga Awit 62:1-2

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Mga Kawikaan 3:5-6

kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan, o kaya ang tirahan ko'y ang duluhan ng kanluran; tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.

Mga Awit 139:9-10

Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan?

Mga Awit 27:1

Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.

Isaias 40:29

Subalit sa iyo, Yahweh, ako'y nagtitiwala, ikaw ang aking Diyos na dakila! Ikaw ang may hawak nitong aking buhay, iligtas mo ako sa taga-usig ko't mga kaaway.

Mga Awit 31:14-15

Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot.

Mga Awit 34:4

Baka Magustuhan Mo Rin

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store

Basahin ang Bibliya sa loob ng isang taon