Talata ng araw
event 22 Nov
Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.
Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin kayo sa inyong mga kasalanan,
Nagkasala po kami at nagpakasama. Naghimagsik po kami at sumuway sa inyong mga tuntunin at utos.
Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
Nang hindi ko pa naihahayag ang aking mga sala, ako'y nanghina sa maghapong pagluha.
“Kung magkasala ang sinuman sa alinmang paraang nabanggit, dapat niyang ipahayag ang kanyang kasalanan.
Mga Bible Verse para sa Bawat Okasyon
Hanapin ang tamang talata para sa bawat sandali
Mga Tanong sa Bibliya
Mga tanong tungkol sa Bibliya, sinagot ng mga talata